Sige na, Noynoy Aquino, nag-Pasko ka na sa gitna ng kalsada!

Here, chicken, chicken, chicken. This chicken roosts in the Senate where there are other loud chickens. (pic from the great UTAKNGTILAPIA.COM)

Oh, wow. Now, ABias-CBN is stooping even lower by blatantly carrying the torch for Noynoy. I mean, what kind of questioning is that? Clearly loaded… and the responses of the supposed hope for the Philippines? I’ll let you read for yourself.

Since this is my blog, allow me to comment (in capital letters to distinguish it from Noy’s nonsense).

Anthony Taberna: Senator, isa po sa mga katunggali ninyo ay may commercial na natatandaan na po ng mga bata, eto po at itatanong ko sa inyo, kayo po ba ay nakaligo na sa dagat ng basura?

Sen. Noynoy Aquino: Hindi pa ho yata. (HINDI NIYA MAALALA? BAKA PAREHO SILA NI ENRILE MAY ALZHEIMER’S)

Anthony Taberna: Nag-pasko na ho ba kayo sa gitna ng kalsada?

Sen. Noynoy Aquino: Meron din ho yata nun, lalong lalo na po after Malacanang eh’, dipende ho kung saan aabutan. Pero ang nanay ko ho kasi talagang importante iyong Christmas eve na magkakasama kami, nung mag-asawa yung mga kapatid ko hanggang alas-diyes, so kadalasan ho kasama ho yung mga neighbors dun sa Times po. (YATA? TAPOS DAMAY MO NA NAMAN SI TITA CORY. YOSI MUNA, PARE.)

Anthony Taberna: Naniniwala po ba kayo na para makatulong ang isang kandidato o kaya ay naghahangad maging Pangulo sa mga mahihirap ay kailangan ngang maging mahirap?

Sen. Noynoy Aquino: Palagay ko ho mas importante naranasan ninyo yung naranasan nila, pag sinasabi sa bansa natin yung mahirap, sinasabi katarungan, hindi nga nabibigyan ng adequate na abogado, hindi nasusulong yung kaso, hindi naipapakita yung kanilang punto. Kami po ay dumaan sa panahon ng martial law, yung nag-accuse po sa tatay ko si Marcos, yung may tangan po dun sa mga opisyales ng militar na humusga sa kanya si Marcos, yung magre-reveal nung kaso si Marcos, eh’ talagang talo pa po yung kangaroo court. Talagang wala ka ng kalaban-laban, marami naman po kaming dinaanan na kami rin po ay naapi, so alam po natin kung ano yung nadarama ng mga naapi, so palagay ko naman ho ayaw nating maulit yung pang-aapi kaya naman tayo ay may supisyenteng eksperyensa na para labanan yung pang-aapi. (AH, KAYA PALA KAYO NANGAAPI NI MAR — DAMI NIYONG EXPERIENCE DITO. DAPAT TURUAN KA NI SANPITS GIBO NG TAMANG ASAL. PERO TEKA, TAMA NGA API KA TALAGA KAY KRIS.)

Anthony Taberna: Pero yung pong sinasabi nilang kailangan mo munang dumaan sa pagiging gutom para malaman mo kung gaano kahirap ang maging gutom, kailangan mo munang… didiretsuhin ko na po, si Sen. Manny Villar, kailangan daw pong dumaan ka sa pagiging tindero ng hipon sa palengke para po malaman mo kung ano ang nararamdaman ng mga tindero, ganoon po ba yun?

Sen. Noynoy Aquino: Palagay ko naman ho lahat tayo hindi naka-inom ng lason pero alam natin na nakakamatay ang lason, wala hong may eksperiyensa na ang pag-inom po nung lason ay nabuhay, yun pong sinasabi niyang kuwento. Puwede namang dumaan ka doon mali naman yung leksiyon eh’ di wala rin hong silbi, ang point ko lang ho dito, when you are poor and you have so much of one thing for so many things, yung that is something that, yung people who have been deprived of whatever can also matter, can also be passionate about striving to changes. (TALAGANG LAHAT AY PALAGAY LAMANG. ANO KA, KOTONG COP? LET’S TALK EXPERIENCE, NOT MOTHERHOOD STATEMENTS — AY WALA KA PALA NUN ANO?)

Anthony Taberna: Kayo po ay may mga pinapalabas naring mga TV advertisements, magkaano na ho ang inyong ginagastos?

Sen. Noynoy Aquino: Kailangan ko hong i-check dun sa ating accountant, hindi ho ako binibigyan ng running total, pero malayo ho dun sa mga katunggali natin, siguradong-sigurado po yun. (YES, YES, YO. TALAGANG WALANG ALAM. TANONG NATIN KAYA SINA BOY AND KRIS?)

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s